Monday, January 14, 2008
AGB Nielsen hiniling sa korte na i-contempt ang ABS-CBN
Una rito, ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) nitong Lunes ang P63-milyong demanda na isinampa ng ABS-CBN Broadcasting Company laban sa AGB Nielsen na inakusahang lumabag sa kanilang kontrata.
Isinaad ni Francisco Rivera, abogado ng AGB Nielsen, sa petisyon na nagkamali ang ABS-CBN sa paglalabas sa telebisyon ng mga bahagi ng naunang utos ng korte kung saan ipinakitang kailangang itigil ng AGB ang kanilang “TAM (television audience measurement) data gathering activities."
“Instead of being accurate in its reporting, the ABS-CBN abused its clout as a broadcaster to engage in an intense media campaign to publicly vilify the petitioner (AGB Nielsen) and gain public sympathy for its cause, evidently to advance its private interest as litigant," pahayag ng AGB Nielsen.
Iginiit ng AGB Nielsen na sa ilang graphics ng ABS-CBN na ipinakita sa iba’t-iba nitong programa, tinanggal ang bahagi sa utos ng korte kung saan ipinatatanggal lamang sa kanilang survey ang mga “corrupted home panels" at hindi ang kabuuan nilang “data-gathering and data-delivery services."
Tinukoy ng AGB na lumabas ang naturang graphics sa programa ng ABS-CBN na Bandila noong Disyembre 20 at Umagang Kay Ganda noong Dis. 21.
Kinuha ng AGB ang impormasyon mula sa utos ni QCRTC Branch 80 Judge Charito Gonzales noong Dis. 20 na kinatigan ang temporary restraining order na hinihiling ng ABS-CBN.
“The insertion of an ellipsis (…) in place of the qualifying phrase in respondent’s graphics misrepresents the contents and the import of the court order. Respondent (ABS-CBN) is not ignorant of the meaning of the qualifying phrase considering that it is found in paragraph 4.4 and the prayer of its own complaint," giit ng AGB Nielsen tungkol sa P63-million damage suit ng ABS-CBN.
Ayon pa sa AGB Nielsen, na bukod sa maling interpretasyon sa utos ng korte, inakusahan din ng ABS-CBN ang kumpanya ng paglabag sa utos ni Judge Gonzales. Ang mga naturang akusasyon ay ipinasahimpapawid pa ng ABS sa mga programang Bandila (Dis. 21) at the Buzz (Dis. 23) noong nakaraang taon.
Nanindigan ang AGB na hindi nila nilabag ang kundisyon ng korte sapagkat itinigil na nila ang pagkuha ng datos mula sa mga corrupted home panel at hindi rin sila naglabas ng datos mula sa mga nasabing kabahayan.
Nakasaad sa petisyon ng AGB Nielsen na may karapatan sila sa patas na paglilitis sa korte na hindi naiimpluwensiyahan ng publiko.
Sinabi ng AGB na hindi lamang lumabag sa sub judice rule ang ABS-CBN kundi inilagay din sa alanganin ang integridad ng judicial proceeding sa Branch 80 ng QCRTC.
“Respect for due process and the orderly administration of justice, the petitioner prayed that the respondent be declared in contempt and punished accordingly," ayon sa AGB. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV
Disclosure Policy
This policy is valid from 19 October 2008
This blog is a personal blog written and edited by me. For questions about this blog, please contact Maki (numberonekapuso@gmail.com).
This blog accepts forms of cash advertising, sponsorship, paid insertions or other forms of compensation.
The compensation received will never influence the content, topics or posts made in this blog. All advertising is in the form of advertisements generated by a third party ad network. Those advertisements will be identified as paid advertisements.
The owner(s) of this blog is not compensated to provide opinion on products, services, websites and various other topics. The views and opinions expressed on this blog are purely the blog owners. If we claim or appear to be experts on a certain topic or product or service area, we will only endorse products or services that we believe, based on our expertise, are worthy of such endorsement. Any product claim, statistic, quote or other representation about a product or service should be verified with the manufacturer or provider.
This blog does not contain any content which might present a conflict of interest.
Best Free Domains
Get a free domain name like www.YourName.co.nr with the following features included: free URL redirection with cloaking, path forwarding, all meta-tags supported, kill-frame feature, NO forced ADS at all, and more.
No comments:
Post a Comment