Sunday, September 28, 2008

Manny Pacquiao magreretiro na sa boksing sa susunod na taon

Ilang oras bago tumulak ulit papuntang US ang Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao ay nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 24.

Muling nagtungo sa US si Pacman upang maghanda para sa kanyang matinding training bilang preparasyon sa laban niya sa boxing ring with the Golden Boy of Boxing na si Oscar dela Hoya on December 6 sa MGM Grand in Las Vegas.

Sa naturang laban, kung papalarin si Pacman at muling manalo ay higit sa $15 million ang kanyang mapapanalunan. Kaya sa edad ni Pacman ngayon na 29 years old, siya na ang pinakamayaman at pinakasikat na Filipino athlete sa kasalukuyang henerasyon.

Ayon sa business manager ni Pacman na si Eric Pineda ay good for two more big fights pa sa boxing ring si Manny. Win or lose daw with his bout with dela Hoya, may dalawang laban pa raw si Pacman with Ricky Hatton sa March or April 2009 at kay Floyd Mayweather, Jr. on July or August 2009.

Ang dalawang naturang boxers ay kabilang sa listahan ng mga pound-for-pound boxing champions, kung saan nangunguna si Pacquaio.

Galing na mismo kay Manny na magre-retire na siya sa boxing sa August 2009. Matutupad na raw kasi ang dream niyang makaharap sa boxing ring si dela Hoya at doon pa lang daw ay puwede na siyang magretiro—manalo man siya o matalo.

Kinumpirma rin niya ang balitang tatakbo siya ulit para sa isang posisyon sa gobyerno sa 2010.

"Ibang laban naman ang haharapin ko sa 2009," sabi ni Manny. "Siguro naman ay puwede ko nang pagtuunan ang ibang bagay pagkatapos ng mga laban ko. Ito na kasi ang gusto ng mga magulang ko at ng misis ko [Jinkee Pacquiao] na mag-retire na ako. Kaya gagawin ko ito para matuwa sila.

"Gusto ko naman din mag-concentrate sa pagtulong sa aking mga kababayan sa Mindanao. Napagdesisyunan na naming ito at tuloy ang mga plano namin sa 2010," pahabol niya.

Pormal na ring winelcome si Manny ng political party ni President Gloria Macapagal-Arroyo na KAMPI (Kabalikat ng Malayang Pilipino). Plus factor daw si Manny sa naturang partido dahil magkakaroon ng concentration ang partido sa mga taga-Mindanao, lalo na sa mga taga-South Cotabato na napapalibutan ng kaguluhan.

Noong 2007 ay tumakbo bilang congressman sa unang distrito ng General Santos City si Pacman, pero natalo siya sa eleksiyon ng kanyang kalaban at kinakapatid na si Representative Darlene Antonino. Kinapos kasi sa oras at panahon si Manny para sa kanyang pagkampanya noon dahil nagkaroon siya ng rematch with Juan Manuel Marquez.

Sa pagsama ni Pacman sa KAMPI, malamang daw na matupad na ang isa pang pangarap niya. Ito ay ang makapagsilbi na siya sa mga taga-Mindanao bilang isang government official.

"Gusto ko talagang makatulong sa aking mga kababayan. Hindi sapat ang magkaroon lang ako ng karangalan sa larong boksing. Gusto ko ay higit pa roon. Ipagdasal natin lahat na maging matagumpay din ako sa 2010," saad ni Manny.
Phone with Plan_10.13.08

Disclosure Policy

This policy is valid from 19 October 2008

This blog is a personal blog written and edited by me. For questions about this blog, please contact Maki (numberonekapuso@gmail.com).

This blog accepts forms of cash advertising, sponsorship, paid insertions or other forms of compensation.

The compensation received will never influence the content, topics or posts made in this blog. All advertising is in the form of advertisements generated by a third party ad network. Those advertisements will be identified as paid advertisements.

The owner(s) of this blog is not compensated to provide opinion on products, services, websites and various other topics. The views and opinions expressed on this blog are purely the blog owners. If we claim or appear to be experts on a certain topic or product or service area, we will only endorse products or services that we believe, based on our expertise, are worthy of such endorsement. Any product claim, statistic, quote or other representation about a product or service should be verified with the manufacturer or provider.

This blog does not contain any content which might present a conflict of interest.

MyPrivacy From ReputationDefender ReputationDefender - Click Here To Start

Best Free Domains
Get a free domain name like www.YourName.co.nr with the following features included: free URL redirection with cloaking, path forwarding, all meta-tags supported, kill-frame feature, NO forced ADS at all, and more.

Powered By Blogger