From ABS-CBN ay nasa GMA-7 na ngayon ang panganay na anak ng aktor na si Tirso Cruz III - si Bodie Cruz. Mahigit isang taon ding nagtagal si Bodie sa bakuran ng Kapamilya network mula sa pagiging housemate sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 2.
"I stayed there for a little over a year. Bale yung contract ko with them is one year. My contract with ABS ended March last year," pagbibigay-impormasyon ni Bodie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ngayong nasa GMA na siya, paano niya ito ikukumpara sa isang taong ipinamalagi naman niya sa ABS-CBN?
"Before kasi, sumas ama na kami sa mga taping... Sina Tita Redgie Acuña Magno [GMA-7's senior program manager], nakakasama ko na. Masaya ako dito kasi parang pamilya na yung turing nila sa akin. Kakulitan ko na sila nung lumalaki ako. Masaya po ako dito."
Exclusive ba ang contract ni Bodie sa GMA-7?
"Per project po ako dito," sagot niya.
Bakit per project siya at hindi exclusive?
"Siguro pag-uusapan po 'yan in the future. Pero ngayong bago pa lang, per project muna."
Bakit siya umalis sa ABS-CBN?
"They have more projects po dito [sa GMA]," mabilis niyang sagot. "And tulad po nung nasabi ko kanina, sina Tita Redgie, sina Tita Winnie Reyes, nakakasama ko na before."
Pero gustong linawin ni Bodie na wala siya kahit na kaunting sama ng loob sa ABS-CBN.
"Wala naman pong galit," aniya. "I'm very thankful sa chance na ibinigay nila sa akin. I think it's just time to move on to more projects, and I think ibinibigay po sa akin yun ngayon ng GMA."
THEN DECISION. Ang ina niyang si Lyn Ynchausti-Cruz ang tumatayong manager ni Bodie. Ang ina rin niya ang nagma-manage ng career ng ama ni Bodie na si Pip.
Pinag-usapan daw nila ng kanyang mga magulang ang tungkol sa paglipat ni Bodie sa GMA-7.
"We talked about it, kami po ng parents ko. And yun, sabi nga po nila, it would be nice to try out other stuff kaya po nandito ako ngayon."
Kung talent fee naman ang pag-uusapan, halos pareho lang daw ang natatanggap niya mula sa dalawang giant networks.
Naging mainit ang pagtanggap sa pagbabalik ni Geoff sa GMA Network kung saan kabilang sa mga dumalo sa contract signing niya sina GMA Chairman, President at COO Atty. Felipe Gozon; GMA EVP and COO Gilberto Duavit, at SVP for Entertainment TV Wilma Galvante.
Nandoon din sa contract signing ang manager ni Geoff na si Perry Lansigan at ina niyang si Gina Alajar, na isang premyadong aktres.
“I’ve been waiting for this day talaga. So, it's good to be back finally, ready to do best, ready to prove that I belong here,” pahayag ni Geoff sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Huwebes.
Unang magiging project ng guwapong aktor ang drama anthology SRO cinema serye kung saan makakasama nya sina Marvin Agustin, Maxene Magalona at Sheryl Cruz. - Fidel Jimenez, GMANews.TV